Nais mo bang sa sala'y maligtas? Dugo ni Jesus ay malakas; Kung tagumpay nais matamasa, Sa dugo makakaasa.
REFRAIN
May lakas ang dugo ni Jesus, Nadoo'y nabuhos; Ililigtas N'ya tayong lubos Sa dugo Niyang pantubos.
Nais mo bang gahisin ang tukso? Dugo'y may lakas ng Kordero; Sa Kalbaryo ay lapitan Siya, Sa dugo makakaasa.
Nais mo bang sa sala'y luminis? Dugo'y may lakas na bumihis; Maiitim mong pagkakasala, Sa dugo makakaasa.
Nais mo bang maglingkod kay Jesus Nang buong puso at mataos? Nais mo bang umawit sa Kanya? Sa dugo makakaasa.